Midwife iginupo ng COVID-19; 16 pa nahawa kabilang ang ilang naturukan na ng unang vaccine

Midwife iginupo ng COVID-19; 16 pa nahawa kabilang ang ilang naturukan na ng unang vaccine

Ni Arwen Pascua

MANILA — Naka-lockdown na ngayon ang Rural Health Unit (RHU) ng San Mateo, Isabela matapos na masawi ang isang widwife at isang pasyente habang 16 iba pa ang kinapitan ng coronaviruss disease (COVID-19).
Napag-alamang unang nasawi ang komadrona mula sa Barangay Gaddanan, sinundan din ng pagkamatay ng isang pasyente na taga-Marasat Pequenio, kapwa bayan ng San Mateo, na naka-admit sa isang pagamutan sa Cauayan City.

Habang ang midwife ay na-admit naman sa San Mateo Integrated Community Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Bukod sa dalawa, 16 pa ang dinapuan ng virus kabilang ang ilang health workers na naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Napaulat din na nagpositibo rin sa COVID-19 ang isang doktor at dalawang ambulance drivers ng nasabing RHU.

Dahil sa patuloy umano ang pagtaas ng mga nagpopositibo sa San Mateo Integrated Community Hospital (SMICH) ay may ilang on-call doctors ang ayaw munang pumasok sa trabaho na nangangamba sila na kapitan din ng coronavirus. Habang nagkukulang na rin ang bed capacity ng ospital.

Pinag-aaralan naman ang pagbubukas ng botika ng RHU ay mananatiling suspendido ang iba pang serbisyo ng ospital.

Isinailalim din sa lockdown ang dalawang gusali ng munisipyo matapos na tamaan ng virus ang ilang empleyado. (AI/MTVN)

Leave a Reply