Basbas palaspas ng Palm Sunday sinimulan na nitong Sabado sa Quiapo Church

Basbas palaspas ng Palm Sunday sinimulan na nitong Sabado sa Quiapo Church

Nagsimula nang magbasbas ng mga palaspas, na dala ng mga deboto na para sana sa Palm Sunday, ang mga tauhan ng Quiapo Church nitong Sabado (27 March 2021). Ginanap ng maaga ang basbas palaspas upang maiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng mga deboto na kinakailangang sumunod sa health protocol. Magugunitang ipinag-utos ng Manila City Hall na 10% lamang ang pupwedeng lamanin ng mga simbahan dahil sa dumaraming mga kaso ngayon ng Covid-19. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI|MTVN)

Leave a Reply