‘Panic buying’ naganap sa Metro Manila

‘Panic buying’ naganap sa Metro Manila

Kapansin-pansin ang maraming mamamayan ng Metro Manila na dumagsa at nag-panic buying sa ilang pamilihan sa gawing Divisoria, Manila isang araw bago sumailalim ang capital region sa NCR Plus bubble o ECQ.
Ito’y magsisimula ngayong hatinggabi ng Lunes, 29 Marso 2021, hanggang Abril 4, 2021, Linggo.
Ang ilang pang karatig-probinsya ng Maynila ay sasailalim din ng ECQ sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng coronavirus.
Nitong Sabado, 27 March 2021, umakyat ang bilang ng Covid-19 sa 9,595.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply