Vaccination ng senior citizens ng Manila lumarga na

Vaccination ng senior citizens ng Manila lumarga na

MANILA — Lumarga na ngayong Linggo, ika-28 ng Marso 2021 ang COVID-19 vaccination para sa mga senior citizen ng Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold “Poks” Pangan, ang mga kawani ng Manila Health Department (MHD) ang pupunta sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod upang mas mapadali ang proseso ng pagpapabakuna para sa mga senior citizen.

Target ng MHD na mabakunahan ang 2,380 seniors na una nang nagpahayag ng interes na magpabakuna sa pamamagitan ng kanilang pag pre-register.

Patuloy naman ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa publiko na magpabakuna. Aniya, dagdag proteksyon ito para sa bawat indibidwal at sa komunidad na kanilang kinabibilingan.

Sa kabila nito, paalala rin ng Alkalde na boluntaryo ang pagkuha ng bakuna sa lungsod at ang mga interesado ay maaari nang mag pre-register sa http://www.manilacovid19vaccine.com.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply