Anti-communist coffins binandera sa Boy Scout Circle ng QC, Guadalupe Bridge Makati

Anti-communist coffins binandera sa Boy Scout Circle ng QC, Guadalupe Bridge Makati

Ibinandera ng mga hindi pa nakilalang individual ang mga kabaong sa Boy Scout Circle sa Quezon City at Guadalupe Bridge sa Makati City na may mga pailaw at kandila at tarpaulin na taglay ang mukhang kalahati ni chairman Joma Sison ng CPP-NDF-NPA at kalahating bungo.
Naka-imprinta rin ang isa pang tarpaulin na may nakasulat na “limang dekadang (50 anyos) panlilinlang diumano ng kilusan at mga mukha ng diumano’y mga estudyanteng nagbuwis ng buhay “dahil sa panlilinlang ng teroristang CPP-NPA-NDF.”
Ayon sa ilang mga nakakita, may apat na mga kalalakihan na lulan ng puting van ang silang naglagak sa mga naturang mga kabaong, Linggo ng gabi.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang may kagagawan ng mga anti-CPP-NPA-BDF coffins.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply