Rehab, maintenance work ng MRT-3 sinimulan na

Rehab, maintenance work ng MRT-3 sinimulan na

Nagsimula na ngayong araw, Martes, 30 Marso 2021, ang pagsasagawa ng mga maintenance and rehabilitation activities ng MRT-3 alinsunod sa naka-schedule na Holy Week Shutdown hanggang sa Linggo, Abril 4, 2021.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ay ang pagpapalit ng mga turnouts, paglalagay ng mga bagong point machine at bagong insulation sleeves ng overhead catenary system (OCS).

Patuloy rin ang ginagawang exterior cleaning at overhauling ng mga Light Rail Vehicles (LRVs) ng MRT-3. Katuwang ng linya sa maintenance at repair works ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Samantala, bunsod ng tigil-operasyon, tinutukan din ng pamunuan ang maagang deployment ng mga karagdagang bus units sa ilalim ng EDSA Carousel Bus Augmentation, sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation Road Sector.

Ito ay upang bigyang-ayuda ang mga essential travelers at commuters sa nasabing mga petsa na walang biyahe ang MRT-3.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply