Bakuna sa mga may comorbidity ng Maynila tuloy-tuloy

Bakuna sa mga may comorbidity ng Maynila tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang pagbabakuna kontra COVID-19 ngayong Sabado, April 3, para sa mga indibidwal na may comorbidity (A3 group) sa lungsod ng Maynila.
Dakong alas-3 ng hapon, umabot na sa 6,058 ang bilang ng mga nabakunahan.

Pinasalamatan ang buong pwersa ng Manila Health Department sa pangunguna ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ng mga nabakunahan.

Para sa mga nais magpabakuna, hinikayat ng MHD na ihanda lamang ng alinman sa mga sumusunod na proof of comorbidity:

-Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
-Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan);
-Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o
-Surgical at pathology records

Sa mga nakapag-pre-register na, dalhin lamang ang waiver form o QR code para sa verification. Kung hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang sa http://www.manilacovid19vaccine.ph.

Huwag din kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing habang nag-aantay ng bakuna.

Leave a Reply