USAPANG PRESIDENTE

USAPANG PRESIDENTE

Ano ba ang mga “qualifications” para maging Presidente ng Pilipinas. Dapat ba na nakatapos ng kolehiyo, o dapat magaling mag-ingles, mayaman, at matalino, at kung ano pang katangian dapat hanapin sa isang lider ng bansa?

Bakit may mga grupo na nagsasabi na ang isang nagbabalak kumandidato pagka-Pangulo ay “not qualified”?

Ayon sa Saligang Batas, simple lang ang qualifications para maging Pangulo ng Pilipinas.

That, NO person may be elected President unless he or she is a:

  1. Natural born citizen (hindi pwedeng naturalized Filipino citizen)
  2. Registered voter (pag di ka rehistradong botante di ka pwede )
  3. Able to read and write (walang sinabi na dapat magaling ka sa wikang banyaga. At kahit di mo naiintindihan ang binasa mo o mali ang paggamit mo ng grammar ay qualified ka pa rin)
  4. At least 40 years of age on the day of the election (Sayang naman si Mayor Vico at iba pang lider na below 40 years old pa lang)
  5. Resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election.

Yun lang pala! So madali pala ang maging Presidente ng bansa.

Pero, bakit sabi ni Dating Justice Antonio Carpio na “not qualified” ang ilan sa mga nagbabalak kung lahat naman na constitutional requirements ay “checked”. Alam ni Justice Carpio ang Constitution. Expert sya sa Saligang Batas di ba nga.

Ang ibig nya kasing sabihin sa “NOT QUALIFIED” ay sa tingin niya ang basehan ng “qualification” ay yung kakayahang mamuno ng bansa ay hindi yung kakayahang tumakbo bilang Presidente.

Malinaw ang isinasaad ng Constitution tungkol sa – QUALIFICATIONS TO RUN AND BE ELECTED AS PRESIDENT.

Pero yun mga QUALITIES (NOT just QUALIFICATIONS) to be President, yan ang dapat pagdesisyunan ng tao. Kung high school graduate lang ang educational attainment ng iboboto ng tao na Presidente walang problem sana kung may malasakit naman ito sa bayan.

Yung abogado nga pero corrupt naman – wala din.

Ang sinasabi ng Saligang Batas o ng Konstitusyon ay mga qualifications sa pagtakbo bilang Presidente samantala ang COMELEC ay sinasala ang mga kandidato at dini-disqualify yung mga “nuisance candidates.”
Mas mahalaga ba ay ang kakayanan, kabutihan, malasakit at ilan pang mga katangian ng mabuting lider para sa bayan pagka-Presidente? Oo naman. Bakit daw wala sa saligang batas yan?

Mali po dahil sa Article VII ng Saligang Batas ay nakasaad ang powers ng Presidente at yan ang mas mabigat na basehan. Kakayanin ba ng iboboto mong Presidente na maipatupad ang mga kapangyarihan nya para patakbuhin ng mahusay ang Pilipinas?

May sapat ba siyang training para dito, may sapat na karanasan, may malalim na pagunawa sa malawak na responsibilidad ng isang Pangulo na may mandato na alagan ang daang-milyong Pilipino?

May sapat na aral ba sya, may malalim na pananaw ay may kakayahan na manguna, magsimula, at mamuno?.

Ito sana ang tingnan ng mga botante.

Sabi nga – WE GET THE LEADER THAT WE DESERVE AS A PEOPLE.

Leave a Reply