2 bagong zipper lane ng QC sa Commonwealth Ave binuksan na

2 bagong zipper lane ng QC sa Commonwealth Ave binuksan na

Simula nitong Lunes, 05 April 2021, ipapatupad na ng Quezon City ang dalawang bagong Zipper Lane sa Commonwealth Avenue.
Layunin nitong tumulong sa pagtugon sa traffic congestion sa pang-umagang rush hour at sa rush hour sa hapon hanggang gabi.
Nakabukas ang AM Zipper Lane mula 5:30 a.m. hanggang 8 a.m. Lunes hanggang Sabado, at mag-uumpisa ito sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Regalado Highway.
Magtatapos naman ito sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Camaro Street. Nakabukas naman ang PM Zipper Lane mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. Lunes hanggang Sabado at mag-uumpisa ito sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Fairlane Street. Magtatapos naman ito sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Regalado Highway.
Light vehicles at mga motorsiklo lang ang pahihintulutang gumamit ng Zipper Lane. Kailangang manatili ang mga ito sa gitna ng Zipper Lane habang nakapila ng paisa-isa. Bawal magtabi ang mga sasakyan at lalong bawal ang overtaking.
Habang pinapatupad ang Zipper Lane, naka-flashing mode ang mga traffic signal light sa mga bahaging ito ng Commonwealth Avenue. Samakatuwid, hinihiling sa lahat na bigyan ng sapat na atensyon and mga Traffic Enforcer ng Quezon City at MMDA na naka-assign dito at sunding ang kanilang mga hand signals sa bawat sandali.
(Art Son/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply