Higit 100 non-APOR cyclists hinuli sa Quiapo church nitong Easter Sunday

Higit 100 non-APOR cyclists hinuli sa Quiapo church nitong Easter Sunday

Aabot sa humigit-kumulang na 106 na mga siklista na galing sa iba’t-ibang lugar ang hinuli matapos bumisita sa Quiapo Church upang manalangin sana kahapon Easter Sunday.

Ayon kay Police Major Aldin Balagat, Plaza Miranda PCP Commander, ang mga nahuling siklista ay hindi mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR).

Aniya, kinuha ang personal details ng mga ito at pinauwi na rin pagkatapos.

Dagdag ni Balagat, kanilang ipapasa sa City Prosecutor’s Office ang mga naging paglabag ng mga ito.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/IA/MTVN)

Leave a Reply