Manila VIB nagsagawa ng surprise meat inspection

Manila VIB nagsagawa ng surprise meat inspection

Nagsagawa nitong Martes ng surprise o biglaang meat inspection ang Veterinary Inspection Board (VIB) ng Manila katuwang ang Special Enforcement Squad.

Sinuri nila ang mga ibinebentang karne sa Blumentritt Market, Central Market, Paco Market, at pati na rin ang palengke sa P. Sanchez Street.

Nakakumpiska sila ng liempo na nagmula sa Germany kung saan ipinagbawal ng Pilipinas ang pag-import ng karneng baboy mula sa naturang bansa noong September 2020 dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ang VIB Special Enforcement Squad ay patuloy na nagsasagawa ng meat inspections sa iba’t-ibang public market ng lungsod upang matiyak na ang mga binebentang karne ay ligtas at walang dalang sakit.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply