Pamamahagi ng ayuda sa QC lumarga na rin

Pamamahagi ng ayuda sa QC lumarga na rin

Sinimulan na ng Quezon City government ang pamamahagi ng ayuda sa QCitizens na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa may 40 na barangay simula nitong Miyerkules.

P1,000 cash ang ayuda sa bawa’t indibidwal at hanggang P4,000 sa may apat na miyembro ng pamilya o higit pa.
Lilimitahan din sa 2,000 na mga benepisyaryo ang papupuntahin sa bawa’t distribution center para masigurong masusunod ang health protocols.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapaskil sa sa bawat barangay, at makikita sa website ng Quezon City government: Dito

Inabisuhan din ang lahat ng QCitizens na abangan ang schedule ng iba pang barangay para sa SAP 2021 distribution dito sa Quezon City government Facebook.
(Art Son/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply