Pamimigay ng 700K food packs sa Maynila muling umarangkada

Pamimigay ng 700K food packs sa Maynila muling umarangkada

Muling umarangkada ngayong araw, Huwebes, ika-8 ng Abril ang pamimigay ng food packs o boxes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa may 700,000 na pamilyang Manilenyo.

Nilinaw ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso iba pa ito o hiwalay sa ayuda na nagmula sa national government.

Ang pamamahagi ng food subsidy COVID-19 Food Security Program (FSP) na inilunsad ng Maynila simula pa noong Pebrero ngayong taon upang maibsan ang gutom ng mga taga-lungsod sa gitna ng pandemya.

Magsisimula ang distribusyon sa COVID-19 FSP food boxes ngayong buwan sa Balut, Tondo, Distrtict 1.

Bawat food box ay may laman na tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata, at walong sachet ng kape.

Una na ring naglaan ang LGU Manila ng P1.4 bilyon para sa naturang food subsidy na matatanggap ng lahat ng pamilyang Manilenyo hanggang Hulyo.

Giit ni Mayor Isko na hangad ng Pamahalaang Lungsod na walang magugutom sa Maynila lalo na’t nananatili ang banta ng pandemya.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply