IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA

IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA

ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGO MAGNEGOSYO

Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa. Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt noong 1959. Ang seatbelt ay naging sagot sa paghahanap ni Bohlin ng solusyon dahil marami ang namamatay sa mga car crashes noon. Naging matagumpay ang imbensyon ni Bohlin at ng Volvo. Kung tutuusin dahil imbensyon niya ay pwede niya i-patent ito at tanging volvo cars lang ang may seatbelt. Napakalaking business advantage sana nun laban sa mga ka-kumpetensyan ng Volvo. Pero hindi swapang sa karangalan at salapi si Bohlin at sabi nga niya – “This invention is too significant not to share.” Binuksan nila ang patent ng seatbelt kahit sa mga ka-kumpetensya sa automobile industry. “The seatbelt had more value to save lives than to profit from it.” Mas mahalaga na makasagip ng buhay kaysa sa kita o negosyo. At dahil nga kay Bohlin ay marami ang naligtas sa mga car crashes at naging importanteng bahagi ang seatbelt sa mga sasakyan magmula noon. Sa panahon ngayon ay magandang ehemplo si Bohlin at ang seatbelt na kanyang inimbento – na kailangan ay ma-isang tabi ang negosyo at pulitika. Buhay muna!

Halimbawa, may mga reports na sa ilang ospital ay tinatanong sa pamilya ng nasawi kung OK ba sa kanila na ilagay na cause of death ay Covid19. Bakit? Dahil ba mas kikita sila dito. May mga gamot na sinasabing mabisa panlaban sa Covid 19 pero dahil lang sa kalaban sa negosyo o sa pulitika ang nag-offer nito bilang lunas ay kaagad sinisiraan at kaagad tinatanggihan.

Ganun din ang vaccines na imbes ang lunas ang nakikita ay maari daw may mga side effects ito na nakamamatay. Ang iba naman diskarte ay tatakutin ang mga tao at sasabihing itong produkto namin ang lunas dyan. Tuloy nalilito ang tao kung ano ba ang totoong lunas. Baka naman lahat ng ito ay lunas pero dahil sa kalaban sa negosyo o sa politika ay kailangan siraan. Paano naman kung talagang makakatulong ang mga ito. Sayang naman. Kaya mahalaga rin na ang mga sinasabing medical experts at ang mga nasa gobyerno na nakakapag garantisado ng lunas ay walang vested interest at pinagkakatiwalaan ng tao. Matuto tayo kay Nils Bohlin at ang kanyang seatbelt invention. Dahil kung hindi ay kawawa ang tao dahil hindi matatapos ang pandemyang ito hanggat pinagkakakitaan imbes na sinusugpo at nilulunasan. (AI/MTVN)

Leave a Reply