12K+ karagdagang kaso ng Covid-19 naitala ng DOH ngayong Sabado

12K+ karagdagang kaso ng Covid-19 naitala ng DOH ngayong Sabado

Ni Amado Inigo

MANILA — Ang Department of Health ay nakapagtala ngayong alas-4 ng hapon araw ng Sabado (Abril 10, 2021) ng 12,674 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Nauna rito ay may naitalang 593 na gumaling at 225 naman na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 22.3% (190,245) ang aktibong kaso, 76.0% (648,220) na ang gumaling, at 1.73% (14,744) ang namatay.

Ang bagong bilang ng mga positibong kaso ay nagdala sa kabuuang bilang ng Covid-19 ng bansa sa 853,209 kasama ang bilang ng mga gumaling (648,220) at mga yumao (14,744).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang pampublikong site ng DOH http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Samantala, idinagdag pa ng DOH na may 19 na duplicates ang tinanggal sa total case count kung saan pito (7) ang recoveries at isa (1) ang namatay.

May 49 naman na mga kaso na dating binilang na recoveries ay muling binago at idinagdag sa bilang ng mga namatay sa final validation ng DOH.

Sinabi pa na may tatlong (3) laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang data sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) noong April 9, 2021. (AI/MTVN)

Leave a Reply