2 PANG PULIS IGINUPO NG COVID-19; 215 BAGONG KASO SA PNP NAITALA SA ARAW NG KAGITINGAN!

2 PANG PULIS IGINUPO NG COVID-19; 215 BAGONG KASO SA PNP NAITALA SA ARAW NG KAGITINGAN!

BREAKING NEWS

Ni Arwen Pascua

MANILA — Sumampa na sa 42 ang nasawi sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng COVID-19.

Sa ulat ng PNP Health Service dalawa pang pulis ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit sa mismong Araw ng Kagitingan, 09 April 2021.

Ang mga nasawi ay isang 64 -anyos na non-uniform personnel na pumanaw noong Abril 9.

Ang isa naman na 48- anyos na staff sergeant sa naka-assign sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit na pumanaw naman noong Abril 8 sa virus.

Sa datos, 281 naman ang nakarekober kaya nasa 14,477 pulis na ang gumaling sa nasabing virus.

Nitong Biyernes din (09 April), may naitalang panibahong kaso na 215 sa hanay ng kapulisan na nagdala sa 16,975 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP mula noong Marso 2020.

Ang aktibong kaso naman ay nasa 2,456 pa na mga pulis na patuloy na ginagamot. (AI/MTVN)

Leave a Reply