Sanitation, operation clean-up isinagawa sa mga palengke ng Manila

Sanitation, operation clean-up isinagawa sa mga palengke ng Manila

Nagsagawa ng sanitation check at clean-up operations ang mga kawani ng mga merkado ng Wagas Market, Pampanga Market, Divisoria Market, Obrero Market, New Arranque Market, Paco Market, Sampaloc Market, Central Market, New Sta. Ana Market, Pritil Market at San Andres Market nitong Lunes (April 12) ayon sa direktiba ng Manila Cty Hall.

Bukod sa tamang sanitasyon at paglilinis ay mahigpit din na ipinatutupad ang minimum health protocols sa mga pamilihang pampubliko, katulad na lamang ng pagche-check ng temperature sa entrance ng bawat palengke.

Pinasalamantan naman ni Mayor Isko Moreno ang mga kawani at market administrators sa pagpapatupad ng malinis at ligtas na mga pamilihang pampubliko.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply