290 na mga pulis nakarekober sa Covid-19; kaso sa PNP pumalo na sa 18,413

290 na mga pulis nakarekober sa Covid-19; kaso sa PNP pumalo na sa 18,413

Ni Arwen Pascua

MANILA — Karagdagang 290 pulis ang nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19) kaya pumalo na sa 16,042 ang kabuuang bilang ng nakaligtas sa Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng PNP Health Service nitong Sabado, 163 pulis ang panibagong tinamaan ng naturang sakit kaya umabot sa 2,322 ang aktibong kaso sa police force.

Sa kabuuan, pumalo na sa 18,413 ang naging kaso sa PNP kasama na ang 49 na namatay.

Ang nasabing bilang ng kaso ng COVID-19 ay mula pa noong Marso 2020 kung saan nagsimula ang Covid-19 outbreak.

Sa ngayon, nananatiling modified working scheme ang pinatutupad sa mga kampo ng PNP upang maiwasan ang pagkakahawa ng naturang virus.

Hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face press conference at idinadaan na lamang sa virtual o Zoom platform upang masunod ang health protocols. (AI/MTVN)

Leave a Reply