Maynila bumili ng gamot na panlaban sa grabeng Covid cases

Maynila bumili ng gamot na panlaban sa grabeng Covid cases

Good news sa mga Batang Maynila! Upang lalong mapalakas pa ang pagtugon sa banta ng COVID-19 cases, ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay bumili ng 1,000 dose ng Tocilizumab (Actemra 80MG) na magagamit bilang gamot sa mga severe and critical COVID-19 cases.

Ang paggamit g Tocilizumab ay pinahintulutan ng Department of Health batay sa naging resulta ng Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO). Gayunman, ito’y magagamit lamang para sa critical and severe COVID-19 cases.

“Mga kababayan, mananatili niyo pong kaagapay ang Pamahalaang Lungsod sa panahon ng pandemya. May awa ang Diyos. Makakaraos din po tayo,” wika nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lascuna. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply