DAPAT BA IPATUPAD na ang ‘THREE STRIKE POLICY’ sa mga TOLLGATES para sa mga ‘INSUFICIENT BALANCE’ RFID na GUSTONG IPATUPAD ng TRB simula May 15, 2021?

DAPAT BA IPATUPAD na ang ‘THREE STRIKE POLICY’ sa mga TOLLGATES para sa mga ‘INSUFICIENT BALANCE’ RFID na GUSTONG IPATUPAD ng TRB simula May 15, 2021?


Nag-anunsyo na ang Toll Regulatory Board na simula May 15, 2021, ay ipapataw na nila ang kaparusahan sa mga motoristang dadaan ng tollway na may “insufficient balance” sa kanilang RFID card.
1st strike ay ire-record ng LTO deputized enforcer ang violation sa data-based at mag-i-issue ng TRB prescribed document proof of violation. 2nd strike ay final warning at ito ay ire-record din at bibigyan ng proof of 2nd violation at 3rd strike ay multa ng isang libong piso, confiscation ng driver’s license at traffic violation ticket sa motorista.
Pero ang problema ay marami pa rin ang mga reklamo tungkol sa nawawalang load kahit hindi nagagamit, malimit na offline ang mga pinaglo-loadan at iba pang reklamo ng motorista na hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan.
Marami na ang reklamo na natatangap ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na “nananakawan” sila ng load maski hindi nagagamit at wala naman nag-aasikaso sa kanilang sumbong. Pero higit na nakakarami ay hinahayaan na lang dahil abala sa kanila ang magreklamo pa sa mga nawawalang load.
Napapanahon bang ipatupad na ang “three-strike-policy” sa panahon ng pandemya? Maaari naman ipagpaliban muna yan hanggat hindi pa natutugunan ang mga reklamo ng mga motorista nakakaranas pa rin ng aberya sa mga toll gates.
Hindi kaya mabigat ang isang libong piso at confiscation ng driver’s license na penalty sa kabila ng mga issue sa sistema sa toll? Paano kung sasabihin ng motorista na kaka-load lang niya papakitaan ng resibo pero hindi pa rin pumasok sa card and niload, tatanggapin bang valid excuse yan ng mga deputized enforcers? Di ba’t kaya itinulak ang RFID system ay para sa kapakanan at kaginhawaan ng mga motorista? At kung ang bawat reklamo ay sa toll ilalahad ng mga motorista, parang mas cause pa ng traffic.
Sana ay ipagpaliban muna ng TRB ang balak na ito hanggang maiayos ang lahat. (ai/mtvn)

Leave a Reply