Lungsod Navotas namahagi na ng cash assistance

Lungsod Navotas namahagi na ng cash assistance

SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi cash assistance na noon pa sana ipinamigay noong nasa ilalim pa ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).

Nanggaling diumano ang cash assistance mula sa local funds ng lungsod na napakinabangan ng may halos 3,407 pamilya ng Navotas. Nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P4,000 ang natanggap ng mga taga-Navotas na naggaling mula sa P32-milyong pondo na ibinalik ng lungsod mula sa badyet ng iba`t ibang tanggapan.

Tumanggap diumano ang lungsod ng P199,871,000 mula sa National Government at sa halagang ito, namahagi ang lungsod ng P181,234,000 sa 55,865 na pamilya.

Ang mga beneficiary na hindi nagawang i-claim ang kanilang cash aid ay bibigyan ng magkakahiwalay na payout schedule ayon sa pamahalaang lungsod. (Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply