Most wanted ng Bohol laglag sa QCPD habang isa pang babaeng drug pusher arestado

Most wanted ng Bohol laglag sa QCPD habang isa pang babaeng drug pusher arestado

Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA — Nagresulta ang mahigpit na manhunt operation ng mga intelligence operative ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakadakip ng most wanted person ng Bohol sa katauhan ni Alejandro Lacar, 56, isang pedicab driver at residente ng No. 26 Huna Street, Sitio San Roque 2 sa Barangay Bagong Pag-asa, na nahaharap sa kasong statutory rape sa bayan ng Candijay sa Bohol.

Sa kanyang ulat kay QCPD director Brigadier General Antonio Yarra, sinabi ni Masambong Police Station (PS 2) commander Lieutenant Colonel Ritchie Claravall na si Lacar ay inaresto sa pamamagitan ng isang warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case Number 2338-2339 na inilabas ni Carmen, Bohol Regional Trial Court Branch 51 presiding judge Patsita Sarmiento-Gamutan.

Naaktuhan ang akusado habang nasa loob ng kanyang tahanan bandang alas-9:20 ng umaga ng Mayo 1, 2021 ng pinagsanib na puwersa ng PS 2 at ang Bohol Police Provincial Office sa Candijay na pinamumunuan ni Major Jaime Dulcero, ang Criminal Investigation and Detection Group’s (CIDG) District Special Operations Unit (DSOU) sa ilalim ni Senior Master Sergeant Richard Ilira at Project 6 Police Station (PS 15) sa pangunguna ni Lt. Col. Hendrix Mangaldan.

Samantala, hinayag din ni Yarra ang pagkakakumpiska ng PhP258,620 halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto ng pitong mga suspek sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Bgy. Gulod sa Novaliches at Bgy. Pasong Putik at sa Pasong Putik Proper.

Sa unang buy-bust operation na isinagawa sa ilang na lugar sa Atrium St. sa Bgy. Pasong Putik, nahuli ng mga operatiba ng Pasong Putik Proper Police Station (PS 16) ang tatlong suspek na sina Jefferson Rana, alias ‘Kuya’, 33, ng No. 1748 Daisy St., Bgy. 177, Camarin, Caloocan City; Joel Manansala, 45, ng Sunflower St., sa Bgy. 177 din sa Camarin; at Phillip Edmond Costillas, 21, ng Lily St., Feliciano Compound sa Bgy. Pasong Putik.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 sachet ng shabu na tumitimbang ng walong gramo at nagkakahalaga ng PhP54,400, bukod sa dalawang sachet ng marijuana na may halagang PhP220.00, isang cellular phone, ang buy-bust money at isang Yamaha Mio motorcycle na may plakang BD65422.

Nasundan pa ito ng isa pang buy-bust operation na kung saan apat namang drug pusher, kabilang na ang isang babae, ang naaresto ng mga tauhan ni Novaliches Police Station (PS 4) commander Lt. Col. Richard Ian Ang.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Michelle Yniguez, 42, ng No. 163, Humilidad St., F.B. Harrison, Pasay City; Jerome Otto, alias ‘Vhalgie’, 30, ng No. 36 Cotabato St., Salaam Compound, Bgy. Culiat, Quezon City; Clarence Sulit, 37, ng Block, Lot 12, Medeshon St., Kaligayahan, Novaliches, Quezon City; at Reginald Aquino, 26, ng No. 22 Rachel Lane Diamond Village, also in Quezon City.

Nadakip ang apat matapos na magbenta sila ng PhP12,500 halaga ng shabu sa isang police poseur-buyer sa itinakdang lugar para sa transaksyon sa harapan ng Caltex gasoline station sa Quirino Highway sa Bgy. Gulod bandang alas-2:00 ng umaga ng Mayo 2, 2021.

Nakamkam mula sa kanila ang siyam na sachet ng iligal na drogra na nagkakahalaga ng PhP204,000.00 at gayun din ang isang pulang motorsiklo na may plakang NAN 5925. (AI/MTVN)

Leave a Reply