Outgoing PNP chief Sinas tinanghal na ‘Biggest Loser’ winner

Outgoing PNP chief Sinas tinanghal na ‘Biggest Loser’ winner

Ni Arwen Pascua

MANILA — Sa kanyang nabawas na 72 pounds sa loob ng limang buwan, tinanghal si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Debold Sinas bilang “Biggest Loser” winner ng kanyang Chubby Anonymous project.

Ito’y base sa presentasyon ng mga pulis ng may mga pinakamalaking nabawas na timbang sa huling press conference ni PNP Chief ngayong umaga bago siya magretiro sa serbisyo sa Sabado.

Si Sinas na nakapagbawas ng 72 libra sa kanyang timbang ang nanguna sa pagkilala sa Top 7 na mga pulis na lumahok sa programa.

Ayon sa PNP chief, ang programa ay voluntary, at maaring umayaw anumang oras, pero siya aniya ang ehemplo ng magandang epekto ng programa sa mga nakakumpleto nito.

Magugunitang inilunsad ni Gen. Sinas ang Chubby anonymous project sa simula ng kanyang termino, kung saan binuhay ang pang-umaga at pang-hapong programang pang-ehersisyo ng PNP.

Layon ng programa na iwasto ang body mass index ng mga pulis na sobra sa timbang, para narin masiguro ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya. (AI/MTVN)

Leave a Reply