Police officer na ‘nagsalita’ sa PNP crackdown IP leaders sibak

Police officer na ‘nagsalita’ sa PNP crackdown IP leaders sibak

Ni ARWEN PASCUA

MANILA — Makaraan ang 30 taon, sinibak sa serbisyo ang police official na nagsalita hinggil sa police operation laban sa mga rebelde na ikinasawi ng siyam na Indigenous Leaders sa Tapaz, Capiz noong Disyembre 2020.

Sa DPRM General Order No. 2021-957 na pirmado ni Maj. Gen. Ferdinand Daway, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management, epektibo noong Abril 28 ay dismissed na sa serbisyo si Col. Enrique Gacutan Ancheta sa bisa ng certificate of finality/implementation ng nasabing general order.

Si Ancheta ay dating hepe ng PNP Western Visayas Crime Laboratory.

Sa rekomendasyon ni Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, The Chief of Directorial Staff, kasong dishonesty o pagsisunungaling at less grave misconduct ang dahilan ng pagkatanggal ni Ancheta bilang pulis.

Nakasaad din sa memoramdum na aprubado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal kay Ancheta sa ilalim ng OP-DC Case No. 17-I-160 o NHQ-AC- 429-011714.

Magugunitang noong Enero 20 ay kinumpirma ni Ancheta sa media na inalis siya sa puwesto bilang hepe ng crime laboratory PNP Western Visayas at inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng DPRM.

Nag-ugat ang pagkatanggal kay Ancheta nang sabihin niya na ang pito sa siyam na IP leaders ng Panay Bukidnon Tribe na napaslang sa police operations noong isang taon ay negatibo sa paraffin test. (AI/MTVN)

Leave a Reply