Sinas nag-eempake na, wala sa isip ang extension ng kanyang May 8 retirement

Sinas nag-eempake na, wala sa isip ang extension ng kanyang May 8 retirement

Ni Arwen Pascua

MANILA — Sinimulan na mag-empake ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ng kanyang mga kagamitan sa Camp Crame, palatandaan na wala sa isip nito na mag-extend ng kanyang serbisyo.

Sa kanyang mensahe sa nitong Lunes sa press conference sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame sa Quezon City, pinasalamatan niya ang mga miyembro ng PNP Press Corps na dumalo sa kanyang huling pulong balitaan bilang PNP chief.

Aniya, naghahanda na siya sa kanyang nalalapit na retirement sa Mayo 8.

Ayon kay Sinas, masaya syang bababa sa kanyang termino dahil nagampanan niya naman nang maayos ang kanyang termino.

Nilinaw din nito na walang extension at tiyak na bababa sya sa puwesto sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Nang tanungin naman sa kanyang legacy sa PNP, ay nag-no comment si Sinas.

“Kami naman sa PNP ay sumusunod lang sa mga ipinatupad ng mga sinundang administrasyon o PNP chief.

Bago maging hepe si Sinas ng PNP ay si Ret. General at ngayon ay Office of the President Usec. Camilo Pancratius Cascolan ang pinuno ng Pambansang Pulisya.

Samantala, no comment din si Sinas kung tatanggap ba siya ng puwesto sa gobyerno matapos magretiro.

Samantala, sinabi naman ni Sinas na hindi.sya magdidikta sa incoming Chief PNP dahil bawat Chief PNP naman ay may kanya kanyang programa.

Nabatid na nagsumite na ng rekomendasyon si DILG Sec. Eduardo Ano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalan ng papalit kay Sinas. (AI/MTVN)

Leave a Reply