4-minute physical program sa PNP hiling na ituloy ng susunod na PNP chief

4-minute physical program sa PNP hiling na ituloy ng susunod na PNP chief

Ni Arwen Pascua

MANILA — Nais ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Debold Sinas na ituloy ng kanyang successor ang proyektong fitness program para sa mga kapulisan.

Sa kanyang huling press conference, sinabi ni Sinas na hindi lang dahil kanyang legacy ang fitness program kundi malaki ang maitutulong din para pisikal na aspeto ng mga pulis.

Ang fitness program ni Sinas ay ang tig-apat na minutong ehersisyo ng mga pulis na ginagawa tuwing alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon.

Upang maging masaya ang pagpapapawis ay sinasaliwan ito ng kantang Voltes V na kanyang paboritong cartoon TV series noong 1980’s.

Pinaunlad pa ni Sinas ang kanyang fitness program na tinawag na Chubby Anonymous sa pangangasiwa nina Tony at Jim Saret.

Noong Lunes ay kinilala ang Top 10 biggest losers o mga pulis na nakapagbawas ng malking timbang dahil sa ehersisyo.

Ang nanguna ay si PCpl. Kenneth Paredes sa tatlong buwang fitness program.

Samantala si Sinas ay tinanghal na Biggest Loser sa Chubby Anonymous Project kung nabawasan siya diumano ng 72 libras (pounds) sa loob ng limang buwan.

Magreretiro si Sinas sa Mayo 8 sa pagsapit ng mandatory age na 56. (AI/MTVN)

Leave a Reply