Bilang ng Covid active cases sa PNP malaki na ang ibinababa

Bilang ng Covid active cases sa PNP malaki na ang ibinababa

Ni Arwen Pascua

MANILA — Bumaba na sa 1,641 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP Health Service, ito ang pinakamababang bilang sa ngayon, matapos na maitala ang pinakamalaking bilang ng mga aktibong kaso noong Marso 31, na mahigit sa 3,300.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, PLt. Gen. Guillermo Eleazar, na sa mga aktibong kaso, 49 ang nagpapagaling sa mga ospital.

Habang 780 naman ang naka-isolate sa treatment centers ng PNP, at 812 naman ang nasa iba’t ibang quarantine facilities.

Sa ngayon ay 20,616 na ang tauhan ng PNP ma tinamaan ng Covid 19, kung saan 18,919 ang nakarekober at 56 ang nasawi. (AI/MTVN)

Leave a Reply