MMDA field personnel muling binigyan ng  ‘heatstroke break’

MMDA field personnel muling binigyan ng ‘heatstroke break’

Karamihan ng mga traffic enforcer at iba pang personnel ng MMDA ay nabibilad sa ilalim ng init ng araw kaya minabuting bigyan sila ng ‘heatstroke break’ ng pamunuan ng ahensya. (Larawan mula sa MMDA)


Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA — Muling pinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 30-minutong ‘heatstroke break’ policy upang maprotektahan ang kalusugan ng mga on-duty field personnel sa kasagsagan ng panahon ng tag-init.
“Para sa amin, mahalaga ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga tauhan kaya ito special heatstroke break ay ipinagkakaloob sa aming mga traffic enforcer at street sweepers na nagtatrabaho sa initan upang maprotektahan sila laban sa heat exhaustion, heatstroke at heat cramps,” punto ni MMDA chairman Benhur Abalos.

Sa ilalim ng nasabing polisiya, papayagan ang mga on-duty traffic enforcers at magwawalis (street sweeper) na iwan nila ang kanilang mga puwesto nang pansamantala para sa 30-minute break na pamamahinga.

Para sa mga traffic enforcers na nagtatrabaho mula alas-5:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, ang itinakdang ‘heat stroke break’ ay mula alas-10:00 hanggang alas-10:30 o alas-10:30 hanggang ala-11:00 ng umaga; para sa mga nagtatrabaho mula 1:00 hanggang 9:00 ng hapon na shift, ang break ay mula 2:30 hanggang 3:00 o 3:00 hanggang 3:30 ng hapon; para sa mga tauhan ang shift nama’y mula 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, ang ‘heat stroke break’ ay mula 11:00 hanggang 11:30 ng umaga o 11:30 hanggang 12:00 ng tanghali; apara sa ang shit ay mula 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, ang break time ay mula 3:00 hanggang 3:30 o 3:30 hanggang 4:00 ng hapon.

Sa kabilang dako, para sa mga street sweepers na nagtatrabaho mula 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, ang itinakdang ‘heat stroke break’ ay mula 11:00 hanggang 11:30 ng umaga o 11:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali; at para sa mga nagtatrabaho mula 11:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, ang break time ay mula 2:30 hanggang 3:00 o 3:00 hanggang 3:30 ng hapon.

“Isasagawa ang heat stroke break nang salitan ng mga naka-assign sa isang partikular na lugar para mamintine ang visibility ng ating mga traffic enforcer at street sweeper at upang matiyak din ang ating operation ay hindi napapatigil,” dagdag ni Abalos.

Bukod dito, para maiwasan ang sinasabing heat exhaustion/heart stroke at heat cramps, sanhi ng matinding init, daragdagan ng 15-minutong break ito kung sakaling ang heat index sa Kalakhang Maynila ay umabot sa 40 degrees Celsius at mataas pa. (AI/MTVN)

Leave a Reply