P17.5M halaga ng shabu nalambat sa 3 tulak

P17.5M halaga ng shabu nalambat sa 3 tulak

Nalambat ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan Police
at koordinasyon ng PDEA North District Office ang tatlong tulak na
sina Josephine Rada, 59 anyos; Mae Jane Rada, 23 anyos; at Bon Joni
Visda, 25 anyos sa ikinasang buy-bust operation sa B53 L3 Phase 12,
Brgy. 188, Tala, Caloocan City.
Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang nasa 2.575 kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P 17,510,000 ang halaga; drug paraphernalia; at buy-bust money. Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply