‘E-Sumbong Mo, Aksyon Ako’ muling nilunsad ni PNP chief Guillermo Eleazar

‘E-Sumbong Mo, Aksyon Ako’ muling nilunsad ni PNP chief Guillermo Eleazar

PNP chief Gen. Guillermo Eleazar (YouTube)

MANILA — Inilunsad ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang E-Sumbong Mo, Aksyon Ako reporting system ng krimen kahapon sa Camp Crame.

“Ibang klase talaga si Gen Eleazar. Isa sa mga pinangako niyang gagawin ito sa kanyang talumpati nung pag-assume niya ng post bilang PNP Chief, at heto, nangyari na. Talaga naman ‘pag pinaguusapan ay paglingkod sa publiko, etong si Gen. Eleazar ay walang kapaguran at walang kapantay,” wika ng isang tagasubaybay ng police matters na ayaw pabanggit ng pangalan.

“Itong E-Sumbong Mo, Aksyon Ako ay nag take-off dun sa successful NCRPO sumbong system. Ang mangyayari rito, pag may nagsumbong ibinabato agad ng computer system ang sumbong sa concerned region/province at station. Sa ganyang paraan, maaaksyonan agad ang mga sumbong ng mga mamamayan,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa PNP public information office, “maaari din namang mag-report ang mga mamamayan ng mga kahina-hinalang mga tao o pangyayari sa kanilang lugar. Agad naman dagat respondehan at tugonan ng mga operatiba o imbestigador mga report na ganito. Kaya bago namang may mangyaring masama, ito ay maaring mahadlangan.”

Kasabay nito, nagbabala din si GEN ELEAZAR sa mga prankster o mga tatawag o magtetext nang katuwaan lamang o panloko. Pinaala ni GEN ELEAZAR na maaring sampahan ng Anti-Cyber Crime case mga ito pag nahuli. Sinabi pa ni GEN ELEAZAR na sa panahong ito na napaka-advance na ng teknolohia, madali nang matukoy at mahuli ang mga prankster.

“Tiyak na matutuwa na naman ang mga mamamayan natin dito kay GEN ELEAZAR na ika nga, Pulis ng Pilipino. Hindi naman nagbago kailanman si GEN ELEAZAR sa attitude niya sa trabaho niya. Tulad ng sinabi niya sa talumpati niya, dinoble na ang suweldo ng kapulisan, kung kaya naman ang serbisyo nila ay dapat only the best for the Filipino people.” (AI/MTVN)

Leave a Reply