HETO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DELAY ANG PAGLABAS ng CAR PLATES ng LTO

HETO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DELAY ANG PAGLABAS ng CAR PLATES ng LTO

Feature photo courtesy by Philkotse.com

MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?

Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagkaantala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka.”

Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang “pag-freeze” ng pag-release ng perang dapat ibayad ng gobyerno sa supplier ng mga car plates — ang Joint Venture ng 0MI-JKG (dating PPI-JKG). 

Bakit na “freeze” ang pambayad?  Ano ang problema kung meron man? 

Ang na-freeze na pambayad sa supplier ay nasa Landbank Ortigas Branch. Doon may account ang supplier at ang signatory ay ang kasalukuyang presidente na si Annabelle Arcilla Margaroli. 

Pero noong kukunin na ang partial payment na halos P200 million pesos para sa mga plaka ay na-freeze ito at tuloy hindi nabayaran ang proyekto na nagresulta sa delay ng delivery ng mga plaka. 

Pero bakit nagkaroon ng freeze order ang Landbank? Ano ang basehan ng mga opisyales na nag freeze? Ang pag freeze ng bangko sa account ay dapat may solidong batayan. Maaari gawin ng bangko kung may suspetsa ito na mga illegal activities tulad ng money laundering, terrorist’ financing, court order ng mga judgment na pabor sa mga nagpapautang, unpaid taxes, o utos ng Anti-Money Laundering Council. 

Pero sa kaso ng OMI-JKG, ang basehan ng freeze order ay isang sulat na galing sa isang Christian Calalang.  Dati siyang presidente ng PPI- JKG. Pero nang nabili ang majority shares ni Margaroli ng kumpanya ay hindi na si Calalang ang signatory. 

Pero base lamang sa sulat ay na freeze ang humigit kumulang na P200 million pesos na dapat sana naibayad ng LTO sa supplier ng mga plaka.  Ang resulta ay ang delay nga ng delivery. 

Bakit ginawa ng Landbank ito samantalang ang tatlo pang ibang bangko na sinulatan ni Calalang ay tinangihan ang request nito na mag issue ng freeze order. 

Sinong mataas na opisyal ng LANDBANK ang nagrekomenda na base lamang sa isang sulat at walang masusing imbestigasyong ginawa ay nag freeze order? 

Sa pakikipagusap ng grupo ni Margaroli sa banko ay hinihingan daw sila ng court order para i-lift nila ang freeze order?  Ha? Aba nung nag-freeze order ay sulat lang pinagbasehan, ngayon ay court order ang kailangan para ma-lift? 

Ano man ang hidwaan ng mga supplier ay hindi dapat magamit upang maantala ang delivery ng mga plaka ng LTO.  Marahil ay dapat ayusin ito ng LTO dahil ang balita ay nakipag-ugnayan na ang Dutch Embassy sa LTO para asikasuhin ang problema dahil mga Dutch nationals na grupo ni Margaroli ang hindi nabayaran. 

May mga iba pa bang opisyales ng LTO ang sangkot sa gulong ito na nagdulot ng napakalaking abala sa mga car owners?  

Atin pong tututukan ang issue na ito na sa tingin namin ay maaring ugat din ng korapsyon. (AI/MTVN)

Leave a Reply