297 bagong plebo ng PNPA 45 na araw didisiplinahin ng uperclassmen

297 bagong plebo ng PNPA 45 na araw didisiplinahin ng uperclassmen

Ni Arwen Pascua

MANILA — Dinisiplina na ng cadet officers ang cadet corps ALAB-KALIS Class of 2022 ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang 297 bagong plebo ng akademya na bubuo sa Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) Class 2025.
Tatagal ng 45 araw ang “briefing” at pagmomolde sa mga bagong plebo bago sila ihalo sa ibang kadete ng akademya.

Noong Hunyo 1 ay mainit na tinanggap ng PNPA ang 297 bagong kadete.

Bilang tradisyon ng pagtanggap, pinangunahan nina PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, PNPA Director, Maj. Gen. Rhoderick Armamento at PNPA Command Group ang Oath taking at Reception Rites na panimula ng Cadetship Program para sa 297 plebo.

Sa talumpati ni Eleazar, pinayuhan nito ang mga bagong kadete na maging instrumento ng pagbabago tungo sa ikabubuti ng organisasyon.

“Sa inyo nakasalalay ang mga susunod na kabanata ng Philippine National Police at nasa inyong kamay ang pag-asa ng ating organisasyon,” bahagi ng talumpati ni Eleazar kasabay ng hamon na maging mahusay na lider sa PNP sa mga susunod na panahon.

Magugunitang noong Marso 7 at 8 ay isinagawa sa buong bansa ang PNPA Cadet Admission Test at ang makapapasa ay pasok na para mapabilang sa PNPA BSPS Class of 2025. (AI/MTVN)

Leave a Reply