Eskwelahan sa DavOr wasak sa landslide

Eskwelahan sa DavOr wasak sa landslide

Ni Arwen Pascua

Travel With Me photo courtesy

MANILA — Dalawang silid-aralan sa Barangay Oregon, Governor Generoso sa Davao Oriental ang nawasak nang maguhuan ng lupa at mga tipak ng bato kaninang madaling araw, Hunyo 7.

Kinumpirma ng Davao Oriental Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang pagkawasak ng dalawang silid-aralan ng Oregon Integrated School.

Sa ulat ng MDRRMO ng nasabing bayan, dahil sa pag-ulan dulot ng weather disturbance na intertropical convergence zone, lumambot ang lupa sa Barangay Oregon at naguhuan ang paaralan.

Sa pagsisiyasat, wala nang mapakikibanabangan sa mga kagamitan ng paaralab kasama na ang mga modules.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente dahil madaling araw naganap ang pagguho. (AI/MTVN)

Leave a Reply