P2.4M halaga ng Marijuana bricks timbog, 2 katao arestado

P2.4M halaga ng Marijuana bricks timbog, 2 katao arestado

Nakakumpiska ang mga operatiba ng PDEA ng marijuana bricks na tinatayang aabot sa P2.4M ang halaga sa dalawa katao kahapon Linggo (06 June 2021) sa Tarlac City.
Kinilala ni PDEA Central Luzon Regional Director Christian O Frivaldo ang dalawang suspek na sina 1.) Julius Castro y Maynete, 24 anyos ng Hilario St. Brgy. Ligtasan, Tarlac City, Tarlac; at si 2.) John David Tapar y Ibale, 28 ng 3712 Karina Street, Brgy San Sebastian Tarlac City,Tarlac.
Ayon kay Frivaldo. ang dalawa ay nakipag transaksyon sa nagpanggap na PDEA agents na bibili nang marjuana at nang magpositibo agad na inaresto ang mga salarin.
Nakuha sa dalawang suspek ang may kanuuang 20 bricks ng dried marijuana leaves, isang (1) unit Keypad cellphone; buy-bust money; at isang unit na Ford Ranger. Nahaharap ngayon ang mga suspects sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply