A4 priority workers sa Navotas nabakunahan na din

A4 priority workers sa Navotas nabakunahan na din

Humigit-kumulang sa 400 city workers at mga residente na kabilang sa A4 priority group ang nasimulan nang mabakunahan sa Navotas Fish Port Complex. Umabot sa 200 ang naka-schedule para sa kanilang bakuna kabilang ang mga tauhan ng Philippine Fisheries Development Authority ( PFDA), Fish Porters, at mga rehistradong mangingisda. Maliban sa kanila, may 200 din na mga indibidwal mula sa A1-A4 Priority Group ang pinayagan ng mag walk-in at tumanggap ng bakuna nitong Martes. (Aj Rabulan/BC/AI/MTVN)

Leave a Reply