Lungsod Maynila muling namahagi ng 700K food boxes

Lungsod Maynila muling namahagi ng 700K food boxes

Nakahanda na at muling ipamamahagi sa lungsod ng Maynila ang food boxes sa halos 700,000 na pamilya sa panglimang sunod na buwan. Ang Covid-19 Food Security Program (FSP) ay alay ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno “upang maibsan ng kahit konti man lang ang buwanang gastusin sa gitna ng pandemya ng mga “Batang Maynila.” Ang naghanda at maghahatid ng mga food boxes ay mga kawani ng DEPW, DPS, at MTPB. Kagaya ng mga nagdaang buwan, ang mga barangay sa District 1 ang inuna munang hahatiran ng FSP boxes. “Hangad natin na walang makaranas ng gutom sa ating lungsod. Kakain tayo sa Maynila!” wika ni Mayor Isko.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply