Manila lumagda ng kasunduan sa FoodPanda para sa PandaBIZikleta program

Manila lumagda ng kasunduan sa FoodPanda para sa PandaBIZikleta program

Makikita sa larawan sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna matapos lumagda ng Memorandum of Agreement kasama sa FoodPanda Philippines para sa PandaBIZikleta Program ng lungsod. Nasa larawan din si FoodPanda Managing Director Dan Marogy at iba pang opisyal ng Maynila.

Ang PandaBIZikleta ay bagong programa ng FoodPanda sa lungsod ng Maynila kung saan may 30 benepisyaryo nito na daraan muna sa masusing screening ng mga aplikante sa Public Employment Service Office (PESO)-Manila.
Ang unang tatlumpung (30) mapipiling benepisyaryo ay makakakuha ng P3,000 worth ng FoodPanda rider kits kasama na ang uniforms, thermal box, thermal bag, at panda mask.
(KIara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply