Motibo sa pagpatay sa mag-asawa sa QC iniimbistigahan na

Motibo sa pagpatay sa mag-asawa sa QC iniimbistigahan na

MANILA — Iniimbestigahan na ng Qquezon City Police District ang pagkakakilanlan ng mag-asawang biktima ng pananambang pati na ang mga suspeks at motibo ng pagpatay sa kanila sa Barangay Mariana sa Quezon City kagabi.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Antonio Yarra, magasawa ang napatay na lalaki at babae na tinatayang na sa edad 30 taong gulang pataas.

Batay sa mga narekober na kagamitan sa sasakyan ng mga biktima, posibleng galing sa department store ang mga ito bago nangyari ang pananambang.

Batay sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng isang kotse nang tambangan sila ng riding in tandem suspects sa broadway street.

Hinatak palabas ng mga suspek ang babaeng biktima at duon pinagbabaril pagkalabas lamang ng kotse.

Habang sinubukan pang umatras ng lalaking biktima pero binaril pa rin sya ng mga suspek.

Agad nasawi ang magasawa bunsod ng tama ng bala sa katawan.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply