PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION INIHAIN NA!

PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION INIHAIN NA!

Inihain na ni Sr. Deputy Speaker, Hon. Doy C. Leachon, ang HB9368 na may titulong “An Act Regulating the No-Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations”

Kinikilala nito ang kahalagahan ng no-contact apprehension sa pagdi-disiplina ng mga drivers para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, habang binibigyan din ng proteksyon ang mga motorista laban sa maaring pagabuso nito.

Ilan sa mga panukala ay ang mga sumusunod:

Area of Operation

No Traffic Authority may implement a no-contact apprehension without informing the public of the area of operation. Kung sakaling may higit sa isang traffic authority ang may jurisdiction sa isang lugar dapat mapag-usapan nila ito at magkasundo na “ISA LANG” ang magpapatupad nito. Hindi rin pwede na dalawang huli ( no-contact at personal na huli ng enforcer) sa same na violation. Maaring ipakita ng violator na natikitan na siya ng enforcer para hindi madoble ng no-contact.

Notice of Violation

The notice of violation must be sent to the registered owner or operator within seven (7) days from the time of infraction.

Mahalaga ito dahil sa ngayon ay inaabot ng ilang buwan bago makarating ang notice of violation sa registered owner o operator ng sasakyan. Nakasaad din sa notice ang mga sumusunod:

  1. Date time and location of the traffic violation.
  2. Traffic violation and penalty
  3. Video file/ still images of the violations that shows the plate number or conduction sticker of the vehicle.

At ang isang mahalagang due process mechanism na:

  1. Date time and place of the hearing of the traffic violation.

Ang notice ay magsisilbing summons kayat dapat tanggapin ito pag may refusal to receive ay deemed served na ang summons. Pag natanggap ang notice ay kailangan umatend sa hearing ng isang Traffic Adjudication Board ang registered owner at ang actual driver upang aminin o i-contest ang violation. Kung hindi makapupunta ang driver ay maaaring magpasa ng affidavit.

5. Traffic Adjudication Board

Ito ang Board na didinig sa mga kaso ng no contact apprehension kung i-contest man ng may ari o driver.

6. Renewal

Sa sec 10 ng panukalang batas ay isinaad dito na hindi ang rehistro ng sasakyan kung hindi ang lisensya ng pasaway na driver ang maapektuhan sa renewal.

Renewal. Except as provided under existing laws, the payment of fines and penalties for traffic violatiins under the No Contact Apprehension IS NOT A REQUIREMENT FOR RENEWAL OF A MOTOR VEHICLE REGISTRATION OR FRANCHISE. HOWEVER, THE PAYMENT OF FINES AND PENALTIES IS A REQUIREMENT FOR RENEWAL OF A DRIVERS LICENSE.

Maraming car owners na nabayaran na ang penalty ay hindi pa rin makarehistro dahil sa hindi updated ang system ng nagpapatupad ng no-contact sa LTO.

Bayad ka na. Di ka pa makarehistro. Hindi rin ito laban sa mga taxi driver na tulad ng sinabi ng isang grupo, dahil hindi lang sa taxi driver ito ipatutupad kundi sa lahat ng may driver’s license. Ang traffic violation ay personal sa driver at hindi pwedeng ipasa sa may ari. Pag ganoon aba ay wala nang katatakutan na violation ang mga pasaway na driver dahil hindi sila ang mamumultahan.

Sang-ayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa panukalang ito. Hihintayin natin na may magpanukala din nang ganito sa Senado. (AI/MTVN)

Leave a Reply