Suspek sa pagpatay ng isang lalake na sangkot sa pustahan ng karerang kalapati nahuli na

Suspek sa pagpatay ng isang lalake na sangkot sa pustahan ng karerang kalapati nahuli na

HAWAK na ng Manila’s Finest ang suspek sa pananaksak at pagkakapaslang sa 30-anyos na binata sa San Andres Bukid, Maynila noong Hunyo 6, alas-4:35 ng hapon, dahil lamang sa pustahan ng karerang kalapati.

Kinilala ni P/Major Henry Navarro, hepe ng MPD homicide ang suspek na si Virgilio Celis y Elogario, alyas “Vir,” 20-anyos ng 1661 Estrada St., Barangay 767, San Andres Bukid, Maynila.

Ayon kay Navarro, sumuko ang suspek matapos na matukoy sa follow up operation ang siyam (9) na kalalakihang sangkot sa pagpatay sa biktimang si Kenneth Pagulayan y Santos alyas Pato, 30-anyos, binata ng 2080 Batangas Line St. San Andres Bukid Maynila.

Sa imbestigasyon, alas-4:35 ng hapon noong Hunyo 6, naglalakad ang biktima sa kanto ng Sagrada Familia St. at Granate St. San Andres Bukid nang kuyugin ng 9 na kalalakihan na kinabibilangan ni Celis.

Sa naturang insidente ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. (Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply