Libreng sakay alok ng MRT-3 ngayong Freedom Day

Libreng sakay alok ng MRT-3 ngayong Freedom Day

Ni Arwen Pascua

MANILA — Maglulunsad ng libreng sakay sa lahat ng pasahero ang Department of Transportation (DOTr)-Metro Rail Transit Line (MRT 3) sa Araw ng Kalayaan sa Sabado.

Ito ang inanunsyo ng pamunuan ng MRT-3 kasabay ng pagdiriwang ng buong bansa sa ika-123 taong kasarinlan.

Magsisimula ng alas- 7 ng umaga hanggang alas- 9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ang libreng sakay na operasyon ng MRT-3.

“This coming 12th June 2021, DOTr MRT-3 will give a free ride in solidarity with the agency in commemoration of the 123th anniversary of the proclamation of the Philippine Identity (Independence) Day.

Gayunman, bagamat libreng sumakay sa MRT-3 ay hindi pa rin umano dapat kalimutan ang minimum health protocols sa lahat ng istasyon at bagon ng mga tren.

Ang libreng sakay tuwing Araw ng Kalayaan ay taun-taon na ginagawa ng MRT-3 bilang pakikiisa ng DOTr sa Kasarinlan ng bansa. (AI/MTVN)

Leave a Reply