702 rehistradong mangingisda ng Navotas binigyan ng tig-P5K na ayuda ng BFAR

702 rehistradong mangingisda ng Navotas binigyan ng tig-P5K na ayuda ng BFAR

Hindi kukulanging sa 702 na mga Navoteño na rehistradong mangingisda ang nabigyan ng tig-P5,000 cash voucher mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ang mga voucher ay maaari nilang makuha sa MLhuiller hanggang Linggo, June 13, 2021.
Ang mga benepisyaryo ay pinili ng BFAR ayon sa resulta ng kanilang crossmatching. Kasama sa mga nabigyan ng voucher ang mga benepisyaryong wala pang nakukuhang ibang ayuda mula sa pamahalaan. (Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply