Personnel hiring ng Manila Covid-19 field hospital sinimulan na

Personnel hiring ng Manila Covid-19 field hospital sinimulan na

Isinagawa ngayong araw, ika-16 ng Hunyo ang contract signing ng 127 newly-hired personnel para sa Manila COVID-19 Field Hospital.
Ilan sa mga lumagda ay ang mga sumusunod:

  • 20 Doctors
  • 53 Nurses
  • 8 Medical Technologists
  • 8 Radiologic Technicians
  • 10 Admin Personnel
  • 8 IT Personnel
  • 20 Job Order workers

Pinasalamatan naman ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga medical frontliner na piniling pagsilbihan ang mga Batang Maynila sa gitna ng pandemya.
Tiniyak din ng Alkalde sa mga taga-lungsod na patuloy na kikilos ang lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan laban sa COVID-19. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply