Confidence level tataas kapag bakunado — PNP-HS

Confidence level tataas kapag bakunado — PNP-HS

Ni Arwen Pascua

MANILA — Bukod sa protektado, tataas ang confidence level ng indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police-Health Service Director, BGen. Luisito Magnaye kahapon.

Ayon sa heneral, ang kaniyang inihayag ay batay sa kanyang karanasan.

Nakasanayan na niya ang dobleng pag-iingat at pagsunod sa health protocols subalit nadagdan ang confidence level niya na siya ay ligtas mula nang mabakunahan.

Si Magnaye ang unang police official na binakunahan sa PNP noong Marso 1 nang isagawa ang simultaneous nationwide symbolic vaccination.

Magugunitang Pebrero 28 nang dumating ang kauna-unahang COVID-19 vaccines sa bansa na Sinovac mula sa China.

Sa ngayon, fully vaccinated na si Magnaye at ayon sa kanya ay walang naging adverse effect sa halip ay naging panatag ang loob niya dahil protektado siya.

Gayunman, paglilinaw ng heneral na tuloy pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols gaya ng madalas na disinfectant, pagsusuot ng facemask at maglayo-layo upang matiyak na makaiiwas sa virus at anomang sakit. (AI/MTVN)

Leave a Reply