‘No face shield’ naudlot, tuloy pa rin suotan sa indoor places

‘No face shield’ naudlot, tuloy pa rin suotan sa indoor places

Ni Arwen Pascua

MANILA — Iginiit ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF MEID) na wala pang pinal na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paggamit o hindi ng face shield (FS).

Dahil dito, tuloy pa rin ang mandatory use ng nasabing pananggalang kontra COVID-19.

Una nang napaulat na sinabi ng Pangulo na sa mga ospital na lamang gagamitin ang FS subalit sinabi ng IATF MEID na kanilang irerekomenda na magsuot pa rin nito sa mga indoor at enclosed establishment gaya sa mall, schools, hospitals at work stations, transport terminals, restaurants at place of worships.

“While waiting for the President’s decision on the matter, the existing policy on the use of face shields remains in effect,” ayon sa IATF. (ai/mtvn)

Leave a Reply