Mga biktima ng sunog sa QC nangalkal ng maikakalakal upang may maipambili ng makakain

Mga biktima ng sunog sa QC nangalkal ng maikakalakal upang may maipambili ng makakain

May pandemya na, nasunugan pa. ‘Yan ang tila bagang hagupit at dagok sa mga residente na narito na biktima kamakailan ng sunog sa Quezon City. At dahil ‘ika nga “life must go on” pilit pa rin silang nangangalkal ng mga material na kanilang maikakalakal gaya ng mga tanso, bakal at iba pang hindi natupok ng apoy na kanilang maipapakilo upang maging pera at maipambili ng makakain. Mahigit 180 na bilang ng pamilya ang nadamay at nawalan ng tirahan sa naturang sunog sa 5 Rd 7, Brgy. Project 6, Quezon City kamakailan.
(Peter M. Lakang/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply