Pagbabawal sa maruming sasakyan sa Crame ‘di Martial Law — Eleazar

Pagbabawal sa maruming sasakyan sa Crame ‘di Martial Law — Eleazar

Ni Arwen Pascua

MANILA — Nanindigan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi paghihigpit o martial law ang ginagawang pagbabawal na makapasok sa Camp Crame ang maruruming sasakyan.
Sa halip, paliwanag ni Eleazar na bahagi lamang ng Intensified Cleanliness Policy ng PNP ang patakaran na ipinatupad sa Camp Crame ni Headquarters Support Service Director PBgen. Arthur Bisnar.

Alinsunod sa kautusan ni Bisnar, lahat ng maruming sasakyan ng mga sibilyan ay palalabasin; at ang mga sasakyan ng PNP personnel ay kailangang ipa-car-wash muna bago papasukin; habang ang maruruming staff cars ay ipapalinis sa tapat ng National Headquarters.

Sinabi ni Eleazar na maaring kinokonsidera ng ilan na umiiral ang martial Law sa loob ng Camp Crame, pero makatuwiran aniya ito dahil maganda naman ang epekto.

Paalala ni Eleazar, nagsisimula sa disiplina ng pagiging malinis sa sarili, sa kagamitan, at sa kapaligiran, ang maayos na pagseserbisyo ng mga pulis sa taongbayan.

Dagdag ni Eleazar, Ipinauubaya niya sa bawat camp commander ang mga hakbang na ipatutupad para isulong ang Intensified Cleanliness policy ng PNP. (AI/MTVN)

Leave a Reply