Sunog sa tambakan ng palochina

Sunog sa tambakan ng palochina

Sumiklab ang sunog sa isang tambakan ng palotchina at paradahan ng truck sa Casimiro St.Lawang Bato, Valenzuela City Linggo ng gabi (June 27, 2021). Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa truck na nakaparada tsaka kumalat sa nakasalansan na mga kahoy na palochina (pinewood) na agad ding sumiklab dahil tuyo ang mga ito. Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog sa nasabing lugar bandang alas-11 ng gabi. Walang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply