DSWD-Calabarzon naka-alerto sa Taal volcano crisis; P12.4M nirilis panimulang pang-ayuda

DSWD-Calabarzon naka-alerto sa Taal volcano crisis; P12.4M nirilis panimulang pang-ayuda

Ni Arwen Pascua

MANILA — Dail sa pag-aalburuto ng Taal Volcano ay nakataas na rin ang alerto ng Department of Social Welfare and Development Region 4-A at tiniyak ang stockpiles ng relief support na kinabibilangan ng food packs na nagkakahalaga sa P1.4 million at non-food items na may halagang P11 million.

Kanina ay nanawagan ang Malacanang sa mga residenteng malapit sa Taal Volcano sa Batangas na maging alertado at sumunod sa awtoridad sakaling ipag-utos ang paglikas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puspusan ang pagtutok ng pamahalaan sa sitwasyon sa Taal Volcano na ngayon ay nasa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagbuga ng asupre.

“We ask residents in the areas surrounding the volcano lake to remain vigilant, take precautionary measures, cooperate with their local authorities should the need for evacuation arise,” ayon kay Roque .

Ayon pa sa Malacanang official na kailangan ang paglikas sa mga barangay sa bayan ng Laurel at Agoncillio gayundin sa iba pang bayan na malapit sa nasabing lalawigan na itinuturing na high risk.

Ang mga local government unit ang nangunguna sa pamamagitan ng Disaster Risk Reduction and Management Offices kaagapay ang counterparts agencies sa pagbibigay ng gabay sa paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar.

Inaktibo na rin aniya ng Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command ang Joint Task Force Taal para umagapay sa operasyon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at ng local government units.

Nakataas na rin ang alerto ng Philippine National Police -Calabarzon at may koordinasyon sa LGU para umagapay sa mga residente roon.

Nag-deploy na rin ng mga sasakyang pantubig ang Philippine Coast Guard Logistics Systems Command para sa humanitarian assistance and disaster relief operations.

Samantala, una nang pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, na hindi sasapitin ngayong taon ang matinding ash fall na naganap noong Enero 2020. (AI/MTVN)

Leave a Reply