PAF C-130 CARGO PLANE BUMAGSAK, 31 PATAY, 50 SUGATAN

PAF C-130 CARGO PLANE BUMAGSAK, 31 PATAY, 50 SUGATAN

Makikita sa larawan ang ilan sa biktima na sakay ng bumagsak na PAF cargo plane (Photo courtesy by Bombo Radio)

Ni Arwen Pascua

MANILA — Umabot na sa 31 katao ang nasawi habang 50 iba pa ang sugatan sa pagbagsak ng air asset ng Philippine Air Force (PAF) nitong Linggo, Hulyo 4 sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Kinumpirma ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana.

Alas-11:30 ng tanghali nang bumagsak ang C-130H “Hercules” transport aircraft na may lulang 92 AFP personnel na kinabibilangan ng tatlong piloto at 5 crew habang ang nalalabi ay mga tauhan ng Philippine Army.

Sinabi ni Sobejana na inihahatid ang tropa patungong Cagayan subalit sa kasamaang palad ay bumagsak ang cargo plane.

“Kaninang 11: 30 a.m., one of C-130s while transporting our troops from Cagayan De Oro, namiss nya yung runway, trying to regain power, at hindi nakayanan bumagsak dun sa may Barangay Bangkal, Patikul, Sulu, sa inisyal na ulat ng heneral. (AI/MTVN)

Leave a Reply